Tinipon ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon (DA-PRDP 4A) ang mga kinatawan ng DA Regional Field Office Calabarzon (DA-4A), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Calabarzon (BFAR-4A), at mga state universities and colleges (SUCs) sa CALABARZON upang pag-usapan ang DA-PRDP Subcomponent 1.2.
Ang DA-PRDP Subcomponent 1.2 ay isa sa mga hakbang ng DA-PRDP upang maisaayos ang mga nakitang isyu o kakulangan sa daloy ng mga produktong agrikultural. Layon nitong mabigyan ng suportang pinansyal at teknikal ang mga DA technical agencies, DA regional field offices, iba pang mga ahensya ng gobyerno, at SUCs, sa pagsasagawa ng mga aktibidad na layong makatulong sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Sa naturang pagtitipon ay hinikayat ang mga kalahok na magpasa ng proposals para sa mga aktibidad tulad ng pananaliksik, pagsasanay, o malawakang pagtitipon na maaaring pondohan sa ilalim ng nasabing proyekto.
Ilan sa mga kalahok na nagpakita ng interes sa Subcomponent 1.2 ay ang South Luzon State University at ang BFAR-4A na natulungan na rin noon sa kanilang pananaliksik sa cacao at seaweeds, Cavite State University, Batangas State University, at DA-4A Research Division.#