Labingsiyam (19) na organikong magsasaka at Agricultural Extension Workers (AEWs) ang kinilala ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa ginanap na Regional Organic Agriculture Congress (ROAC) noong 20 Setyembre 2022 sa Regina Reyes Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Hills, Batangas City.
Ang ROAC ay taunang aktibidad DA-4A sa pangugnuna ng Organic Agriculture Program na naglalayong tipunin at kilalanin ang mga magsasakang patuloy na pinayayabong ang sektor, benepisyo, at kaalaman sa organikong pagsasaka.
“Napakaganda ng mga programa sa organikong pagsasaka at kung sasamahan pa ito ng kasipagan ay talagang magbubunga ng isang masaganang pagsasaka,” ani OIC-Regional Executive Director Milo Delos Reyes.
Iginawad ang Farmer Achiever Award kina: Pepito Vislenio at Ramon Luis dela Cruz ng Cavite; Agripina Ochoa at Felix Clemeña ng Laguna; Victoriano Gamboa at Luis Gamboa ng Batangas; Remelyn Napay ng Rizal; at Felipe Sotto at Richard Balane ng Quezon.
Binigyang halaga rin ang serbisyo ng mga AEWs na sina Rolando Mago, Erlene Delgado, Anthony Beldaña, at Aris Pitogo, habang iginawad ang Young Farmers Award sa Hugs & Kisses 4H Club.
Kinilala din ang kwento nina Regalado Eusebio, Josephine Costales, Roberto Almajose, at Alicia Valdoria bilang inspirasyon at modelo ng matatag na pagsasakang organiko.
Sa pamamagitan ni DA-4A Regional Organic Agriculture Focal Person Eda Dimapilis, naibahagi ang kalagayan ng organikong pagsasaka sa rehiyon, mga plano, serbisyo, at programa ng ahensya para sa patuloy na pagpapaunlad nito.
Binati ni DA Assistant Secretary for Operations Engr. Arnel de Mesa at National Organic Agriculture Program (NOAP) Director Bernadette San Juan ang rehiyon ng CALABARZON sa pagkakaroon nito ng aktibong sektor ng organikong pagsasaka.
Sentro rin ng pagdiriwang ang exhibit ng iba’t ibang mga organikong produkto, gulay, at prutas ng mga sumusunod na Organic Farmers’ Cooperatives and associations: Dagatan Family Farm School; Chad Farm; Batangas Organic and Natural Farmers Cooperative; Santo Tomas Organic Producers FA; Association Organiko de Lipa; Yakap at Halik MPC-Cavite; Alfonso Organic FA; Samahang Magtatanim ng Ubi at Halamang Ugat sa Lungsod ng San Pablo; Silent Integrated Farm; Samahan ng Organikong Samahan ng Laguna; Garantisadong Organikong Samahan ng Quezon; E.V. Sanchez AgriFarm; Organic Trading Post Tanay; Baras Integrated Diversified Oragnic FA; at Siyentipikong Samahan ng Magsasaka ng Pilillia.
Hinimok ni DA-4A OIC Field Operations Division (FOC) Chief Engr. Redelliza Gruezo ang mga organikong magsasaka at AEWs na ipagpatuloy ang kasigasigan at pagmamahal sa sektor.
Nakiisa rin sa aktibidad sina OIC RTD for Operations Engr. Marcos Aves, Sr., OIC RTD for Research Regulations, and ILD G. Fidel Libao, NOAP-NPCO Interim Chief Bb. Lea Deriquito, Batangas Vice Governor Jose Antonio “Mark” Leviste II, Batangas Provincial Administrator G. Wilfredo Racelis, Batangas Provincial Agriculturist Dr. Rodrigo Bautista, at iba pang kawani ng DA-4A. #### (: Jayvee Amir P. Ergino)