Bilang bahagi ng programa ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON, dalawang exhibitor mula sa nasabing rehiyon ang kasali sa mahigit 350 exhibitor sa ika-23 Food and Drinks Asia 2019 sa World Trade Center sa Pasay City. Ang mga ito ay ang Tree Farm Solutions at Ben & Lyn Chocolates, Inc.
Kaisa sila sa mga malalalaking kampanya na nagpapakita ng kanilang produkto sa pandaigdigang merkado.
Ang exhibit ay nag-umpisa pa noong Setyembre 5 at matatapos sa Setyembre 10, 2019.
Ang Tree Farm Solutions ay pagmamay-ari ni G. Jerusalino Araos ng Calauan, Laguna. Ipinagmalaki nito ang kaniyang pananim na Insulin Plant at mga produktong Insulin Plant, I-Plus Capsule, Key Lime Concentrate, Key Lime, K-Plus Juice, at mga bagong produktong kaniyang ilalabas kagaya ng Insulin Plant I-Plus Tea, Insulin Plant Coffee Mix I-Plus, Liberica Coffee I-Plus, at Turmeric Tea I-Plus.
Samantala, ang Ben & Lyn Chocolates, Inc. na pagmamay-ari naman ni Gng. Irmalyn Vicedo ng Indang, Cavite, ay nagpakita ng kaniyang produkto na buhat sa tanim na cacao. Ang mga produkto niya ay Tablea, Cacao Brittle, Cacao nibbles, Cacao Brittle, Choco-Kopi Nibbles, Chocolate 70 % Dark at Chocolate 75% + Nibs, at 75% bear-to-bar Chocolate.
Si Gng. Editha M. Salvosa, Hepe ng AMAD, kasama ng kaniyang mga tauhan, ay patuloy na gumagawa ng ganitong “economic activities” upang matulungan ang mga malilit na negosyanteng mga magsasaka at mangingisda, na umangat ang kanilang produkto, kabuhayan, at makipagpaligsahan sa pandaigdigang merkado. ● NRB, DA-RAFIS