Isinulat at Kuha (Mga Larawan) ni Nataniel Bermudez
Ang tema ng pagpaparangal ay “Ensuring Food Security through Agriculture and Fisheries R & D Excellence”. Ito ay pagkilala at pagpaparangal sa mga magagaling na mananaliksik ng bansa buhat sa regional at national offices na nasa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka at State Colleges and Universities (SCUs). Mayroon 151 na mananaliksik na sumali at nagsumite ng kanilang mga researches, ngunit 58 lamang ang naging mapalad na napili.
Kasama si Regional Technical Director Digna P. Narvacan ng Research and and Regulations ay ipinakita ang kanilang Sertipiko ng Pagkilala kay RED de Mesa.
Ang “Agricultural and Fisheries Modernization Act (AFMA) R & D Award” na pinamagatang “Community-based Participatory Action Research (CPAR) on Sugar Apple + Vegetables + Legumes Farming Systems sa Lobo, Batangas” na ang may-akda ay si Gng. Manalo at “Development and Commercialization of Production System and Meat Processing from Organically Grown Native Pig and Native Chicken,” na ang may katha naman ay Si G. Faylon.
Sinabi ni RTD Narvacan, “na napakahigpit ang labanan, at naging mapalad ang ating tanggapan, sapagkat sa tatlong paper research work na isinumite natin ay dalawa ang napili, ang CPAR sugar at Meat Processing ng Native na baboy at Manok”.
Ang naggawad ng mga sertipiko ng pagkilala ay sina Director Dr. Necomedes P. Eleazar, CESO II, Assistant Director Teodoro S. Solsoloy at Ms. Digna L. Sandoval, Head Institutional Development Division ng BAR.