Aabot sa 96 na proyektong naipamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON, binisita ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) at Provincial Agricultural and Fishey Council (PAFC) para sa Participatory Monitoringand Tracking ng mga ito.
Ang PCAF na katuwang na ahensya ng Kagawaran na nagsisilbing policy advisory at consultative arm nito, ay nagtataguyod at nagpapadali sa malawakang participatory development sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Samantala, ang Agricultural and Fishery Council (AFC) mula sa rehiyon at mga lokal na pamahalaan ay kabilang sa consultative body ng PCAf. Kasama sa kanilang gawain ay ang pagsasagawa ng mga konsultasyon, dayalogo at pagmonitor ng mga ipinapatupad na programa at proyekto sa agrikultura.
Bilang parte ng monitoring activity, binuo ang mga grupo na umikot sa limang probinsya ng rehiyon upang tingnan at kumustahin ang mga interbensyong ibinaba sa mga samahan ng magsasaka sa CALABARZON.
Sa pagtatapos ng aktibidad ay nagkaroon ng exit conference kung saan iprinesenta ang mga naging obserbasyon at resulta sa apat na araw na pagbisita ng mga monitoring team. Dinaluhan ito ng mga representante mula sa mga banner programs na rice, corn, High Value Crops Development, livestock at National Urban and Peri-urban Agriculture Program, at mga Agricultural Programs Coordinating Offices kasama ang Planning, Monitoring and Evaluation Division ng DACalabarzon.
Sa pangunguna nina DACalabarzon OIC-Regional Executive Director Fidel Libao, PCAF Planning, Monitoring, and Knowledge Management Chief, Floreliz Avellana, at representante ng bawat PCAF ng rehiyon, nagkaroon naman ng pagtalakay at pagbalangkas ng mga susunod na hakbang at aksyon ayon sa mga naging rekomendasyon.
Nagpasalamat si Director Libao sa inilaang panahon ng PCAF, AFC at buong monitoring team sa pagbisita sa CALABARZON at pagiging katuwang sa pagpapaigting ng implementasyon ng mga programa ng ahensya para sa mga magsasaka.