I-click ang link para sa mga presyo ng pangunahing bilihin sa mga ss. na pambublikong palengke sa CALABARZON. Commodities Link ng mga presyo sa mga pangunahing pampublikong palengke Rice Bantay Presyo (da.gov.ph) Meat and Poultry Bantay Presyo (da.gov.ph) Highland Vegetables Lowland Vegetables Bantay Presyo (da.gov.ph) Fish Bantay Presyo (da.gov.ph) Fruits Bantay Presyo (da.gov.ph) Spices Bantay – continue reading
Grupo ng magsasaka sa San Juan, mas palalakasin sa pamamagitan ng clustering, consolidation
Binisita ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) ang San Juan Batangas Crofisliv Association ng bayan ng San Juan, Batangas kaugnay ng pagpapatupad ng programang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2). Layunin ng F2C2 na paunlarin ang produksyon at kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng clustering at consolidation. Nais ng programa – continue reading
P87-K halaga ng produktong agrikultural naibenta sa DA-4A Kadiwa Retail sa San Pedro, Laguna
Umabot sa ₱87,000 ang naibenta ng dalawang samahan ng mga magsasaka sa isinagawang KADIWA ni Ani at Kita retail selling na pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna noong ika-21 ng Agosto, 2022. Ang mga samahang nakapagbenta ay ang Luntian Multipurpose Cooperative at – continue reading
Yamang Lupa: SCALE UP program, inilunsad sa Quezon
Inilunsad ang Yamang Lupa: Sustainable Community-based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment and Prosperity (YL:SCALE UP) in Quezon Province sa Tayabas City, Quezon noong ika-23 ng Agosto kasabay ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding at Wall of Commitment ng mga ahensya at Local Government Units kasama ang mga lead farmers ng bayan ng Pagbilao – continue reading
DA-4A kaisa sa pagsulong ng DA – IRRI OneRicePH Project
Upang matulungang maitaas ang varietal turnover ng mga magpapalay ng rehiyon, nakiisa ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa isinagawang DA – International Rice Research Institute (IRRI) OneRicePH Project Regional and Provincial Consultative Workshops, sa Brgy. Tumbaga 1, Sariaya, Quezon, noong ika-23 ng Agosto. Ang DA-IRRI OneRicePH Project ay naglalayong pag-isahin ang mga pamamaraan – continue reading
Karagdagang 112 magmamais sa Batangas, nakatanggap ng fuel discount cards, fertilizer discount vouchers mula DA-4A
Aabot sa 112 na magmamais mula sa Lian, Calatagan at Nasugbu sa probinsya ng Batangas ang nakatanggap ng fuel discount cards at fertilizer discount vouchers noong ika-24 ng Agosto, 2022. Ito ay bahagi pa din ng patuloy na implementasyon ng Fuel and Fertilizer Discount Program for Corn Farmers ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa – continue reading
Produksyon ng mga produktong HALAL, isusulong sa rehiyon.
Nagdaos ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Consultative Meeting and Planning Workshop kasama ang ilang opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) noong ika-16 ng Hunyo. Layunin ng pagpupulong na talakayin ang implementasyon ng halal multiplier farm at DA-assisted halal farms at tuluyan ikasa ang produksyon ng mga produktong halal sa rehiyon. Ayon – continue reading
DA-4A, NIA IV-A, nagpulong para sa maayos na pagpapatupad ng programa ng irigasyon sa CALABARZON
Pinangunahan ni Assistant Secretary for Operations at Regional Executive Director, Arnel De Mesa ang pulong kasama ang National Irrigation Administration IV-A (NIA IV-A) noong ika-15 ng Hunyo sa DA-4A, LARES Hall, Lipa City, Batangas. Sa pagbalik ng National Irrigation Administration (NIA) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) sa bisa ng Executive Order No. 168, – continue reading
DA-4A, namahagi ng fuel discount card sa Balayan, Batangas
26 na kwalipikadong magsasaka ng mais ang nabigyan ng fuel discount card noong Hunyo 13 ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ng Corn banner program sa Balayan, Batangas. Ang fuel discount card ay naglalaman ng P3000.00 halaga na maaaring magamit sa pagbili ng gasolina para sa mga makinaryang pangsaka. Ito ay bahagi ng – continue reading
50 organikong magsasaka ng Cavite inihanda ng DA-4A para sa Organic Product Certification
Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Cavite Agricultural Research and Experiment Station (CARES) ang Training on Basic Food Safety and Good Manufacturing Practices at Training on Basic Fruits and Vegetable Processing with Machine Overview, sa General Emilio Cavite, noong ika 8 hanggang ika-10 ng Hunyo. Ang aktibidad ay bahagi ng anim na buwang – continue reading
DA-4A tuloy-tuloy ang implementasyon ng urban, peri-urban agri para sa seguridad ng pagkain
Tuloy-tuloy ang implementasyon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Urban at Peri-Urban Agriculture Program sa rehiyon alinsunod sa direktiba ni Secretary William Dar na siguruhin ang suplay ng sapat na pagkain, partikular ng mga gulay sa bansa. Kaugnay nito, pinulong ng DA-4A ang mga city at municipal agriculturists noong ika-6 ng Hunyo upang kamustahin – continue reading
DA-4A RSBSA Enlistment Caravan isinagawa sa Batangas
Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Enlistment Caravan, noong ika-8 hanggang ika-10 ng Hunyo, sa Nasugbu, Batangas. Layunin ng aktibidad na pataasin ang bilang ng mga RSBSA registered na magpapalay at maisama sa kabuuang listahan ng National Farmers’ and Fishers’ Online Registry System. Karagdagang – continue reading
DA-4A pinangasiwaan ang implementasyon ng SRDP sa REINA area
Isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang Consultation Meeting for the Creation of Provincial Convergence Initiative Technical Working Group (PCI TWG) and Preparation of the Interagency Provincial Orientation for the Sustainable Rural Development Plan (SRDP) of Real, Infanta, General Nakar, Quezon (REINA) area, via Webex, noong ika-8 ng Hunyo. Ang CI-SRDP ay ang – continue reading
Pagsasanay sa 70 magsasaka ng Rizal, Laguna, isinagawa ng DA-4A
Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Package of Technology Training on Vegetable Crops sa Tanaw de Rizal, Sitio Sto. Niño, Brgy. Tala, Rizal, Laguna noong ika-7 ng Hunyo. Aabot sa 70 magsasaka mula sa bayan ang dumalo ng pagsasanay tungkol sa paggugulay na pinasilidad ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa pangunguna – continue reading
DA-4A, nagsagawa ng Food Lane Project Orientation para sa mas mabilis at ligtas na pagbibyahe ng produktong agrikultural
Nagsagawa ang Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Orientation on Food Lane Project noong ika-7 ng Hunyo, 2022. Ito ang upang ipaalam sa truck owners, operators, at drivers ang mga panuntunan at proseso sa pagkuha ng Food Lane Accreditation. Ang Food Lane Project ay ang – continue reading
DA-4A, kaisa sa EPAHP MoU signing
Pinirmahan ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa, ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) CALABARZON Regional Memorandum of Understanding sa Calamba City, Laguna noong ika-7 ng Hunyo, 2022. Kaisa ng DA-4A sa proyekto ang Philippine – continue reading
DA-4A, DA-BAR nagsanib pwersa para sa implementasyon ng YL: SCALE UP
Nilagdaan ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) at ng DA Bureau of Agricultural Research ang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Yamang Lupa: Sustainable Community-Based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment, and Prosperity (YL: SCALE UP) Program in Quezon Province, noong ika-6 ng Hunyo, 2022 sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station Conference – continue reading
Oryentasyon para sa Corn Model Farm Project ng DA-4A, isinagawa
Tinipon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Corn Program ang mga magsasaka mula sa Samahan ng Magtatanim ng Mais sa Lopez, Quezon para sa isang techno-briefing and distribution of production inputs for white corn model farm noong ika-2 ng Hunyo, 2022. Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga magmamais para sa isasagawang corn model farm. – continue reading