sinulat at Mga Larawan, Kuha ni John Jasper Daquigan
Dinaluhan ng mga magsasaka at mga negosyante mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang ginanap na ika-25 na Agrilink 2018 o International Agribusiness Exhibition and Seminars sa World Trade Center, Pasay City noong Oktubre 4-6, 2018 na may temang, “Efficient Value Chain in the Hog Industry: A Must for Continued Growth.”
Bilang pakikibahagi, itinampok ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon ng CALABARZON ang mga produkto mula sa Batangas na Mira’s Turmeric at Café de Lipa sa pakikipagtulungan sa Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD).
Samantala, sinabi ni Undersecretary Jose Gabriel M. La Viña ng Kagawaran ng Pagsasaka na malaki ang gampanin ng bawat magsasaka upang mapanatili ang pagkakaroon ng pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga mamamayan. Mahalaga rin anya ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor para sa mas epektibong paggawa. Binigyang-diin din niya ang tulong ng makabagong teknolohiya upang mas mapataas ang produksyon ng pagkain lalo na sa paghahayupan.
Samantala, nakiisa rin si Regional Executive Director Arnel V. de Mesa sa naging aktibidad at tumingin ng mga makinaryang maaaring magamit ng mga magsasaka sa CALABARZON.
Ang tatlong araw na Agrilink ay nagsilbing magandang pagkakataon para sa mga magsasaka na matuto sa pamamagitan ng mga pagsasanay at mga teknolohiyang ipinakita rito.