Nanumpa sa harapan ni Regional Technical Director Elmer T. Ferry ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON ang tatlumpung bagong halal na opisyales ng Department of Agriculture (DA) Region IV Multi-Purpose Cooperative, Inc.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Gng. Felicidad M. Denorte (ikalawang termino) bilang Chairperson ng Lupon ng mga Director ng nasabing kooperatiba noong ika-6 ng Mayo 2019 sa Visayas Ave, Diliman, Quezon City.

Pinarangalan din ni RTD Ferry ang mga dati at bagong opiyales, at mga kasapi ng nasabing kooperatiba dahil sa maayos na paglilingkod ay umabot na ito sa ika-37 taong Anniversaryo. โ€ข NRB