Pormal nang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang isang yunit ng four-whell drive tractor sa University of the Phililppines – Los Baños (UPLB) sa pamamagitan ng paglalagda ng Memorandum of Agreement noong 25 Octubre 2022.

Ito ay pinangunahan ni DA-4A OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes at UPLB Chancellor Jose Camacho.

Ayong kay UBLB College of Agriculture and Food Science Dean, Dr. Elpidio Agbisit, ang napagkaloob na traktora ay malaking tulong upang mas palakasin ang suportang ibinibigay ng unibersidad sa mga magsasaka, etudyante, at mananaliksik sa larangan ng agrikultura,    partikular sa pagpapalakas ng produksyon.

Bukod sa traktora, nakatanggap din ang unibersidad ng disc plow, disc harrow, rotavator at trailer bilang kasangkapan ng makinarya. #### (✍🏻 📸Bogs De Chavez)