Aabot sa 663 na magsasaka mula Rizal at Cavite ang nabigyan ng ayuda mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk at Fertilizer Discount Voucher Program sa pangunguna ng Corn Banner Program. Ito ay ginanap noong Agosto 11-12.

Mga magsasaka mula sa mga bayan ng Pililia, Teresa, Antipolo, Baras at Morong sa lalawigan ng Rizal ang tumanggap ng ayuda. Samantala, mga magsasaka at mangingisda naman ng mga bayan ng Dasmarinas, Silang, Magallanes, Alfonso, Trece Martires at Indang nakatanggap mula sa lalawigan ng Cavite.

Ang bawat fuel discount card na naipamahagi ay naglalaman ng 3,000 piso na maaring gamiting pambili ng gasolina para sa kanilang mga makinaryang pang bukid na gumagamit. Voucher naman na naglalaman ng 2,000 piso na diskwento sa pataba ang natanggap ng mga magmamais bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng pataba. #### (✍🏻📸 Bogs de Chavez)