Pinasinayaan ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry na Mushroom Enterprise Development Project sa Nasugbu, Batangas para sa Wounded Soldiers Agriculture Cooperative (WSAC) noong ika-12 ng Oktubre.
Pinangunahan ito nina Cabinet Secretary Hon. Karlo Alexei B. Nograles, Senator Christopher Lawrence “Bong” T. Go, Bureau of Plant Industry (BPI) Director George Y. Culaste, Department of Agriculture (DA) Agri-Industrialization and Fisheries Undersecretary Cheryl Marie N. Caballero, DA IV-CALABARZON (DA-4A) OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan, Department of National Defense Assistant Secretary for Human Resource Antonio L. Bautista, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Jose Faustino, Jr., at WSAC Chairperson 1st Lt. Jerome J. Jacuba.
Ang pasilidad ay nakalaan para sa kabuhayan ng mga sundalong hindi na makakabalik sa serbisyo dala ng natamong pisikal na pinsala habang nakikipaglaban.
“It is an initiative for income generation and livelihood of the cooperative and the nearby communities. It will also impact the community’s women and unemployed young adults through activities related to mushroom production,” ayon kay BPI Director Culaste.
“We want to affirm our commitment to the sustainability and effective implementation of this project and encourage everyone to engage in similar activities for the benefit of the community para makamtan natin ang masaganang ani at mataas na kita,” mensahe naman ni DA Secretary William D. Dar na ibinahagi ni DA Usec. Caballero.
Nakapaloob sa proyektong ipinatayo ng BPI sa ilalim ng Bayanihan II Fund ang 50 metro kwadradong laboratoryo, 30 metro kwadradong mushroom processing facility, at tatlong growing houses na may sukat na 16 na metro kwadrado ang isa.
Laman din ng pasilidad ang mga makinarya para sa pagpapalaki at pagpoproseso ng mga kabute.
“On behalf of WSAC, we are extending our heartfelt gratitude to DA for providing not only equipment, farm commodities, but most of all, hope for our soldiers; that they can still engage in agriculture despite their disabilities. All of these will serve as vehicles for the success of our cooperative, as well as a venue for rehabilitation and improvement in collaboration with our dependents. Our commitment to the DA’s livelihood project is similar to the pledge we made to our country to protect the people and the country,” ani WSAC Chairperson 1st Lt. Jacuba.
“Noon pa man po ay kabalikat na ng ating mga kasundaluhan ang DA sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga pagkain. Ito pong Mushroom Enterprise Development Project ay simula pa lamang ng pagbibigay ng tulong ng Kagawaran sa inyong kooperatiba. Makakaasa po kayo na patuloy ang aming pag-alalay sa abot ng aming makakaya,” ani DA-4A Director Dimaculangan.
Dumalo rin sa aktibidad sina OIC-Regional Technical Director for Operations Engr. Abelardo R. Bragas; Field Operations Division Chief Engr. Redelliza A. Gruezo; Planning, Monitoring, and Evaluation Division Chief Maria Ella Cecilia B. Obligado; Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES) Chief Cynthia D. Leycano, Livestock Program Coordinator Dr. Jerome G. Cuasay; Batangas Agricultural Program Coordinating Officer Fidel L. Libao; at iba pang mga empleyado ng DA-4A. #### (Reina Beatriz P. Peralta, DA-4A RAFIS)