Pagpapaunlad ng industriya ng Halal sa CALABARZON

Muling ipinamalas ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4 CALABARZON upang tugunan ang panawagan na mas palawakin at paunlarin ang adbokasiya ng Halal Industry Development Program sa rehiyon.

Nangyari ito nang magkaroon ng pagpupulong ang mga division chief at program coordinator kasama ang mga personnel ng research, regulatory, at integrated laboratory noong Enero 9 at 10 sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES) Training Hall.

Ang grupo ay gumawa ng indicative plan para sa taong 2019 at mga kahalintulad na programa na aabot sa taong 2021.

Pinasalamatan naman ni Regional Director Arnel V. de Mesa ang malaking hakbang para sa taong ito na isinagawa sa pangunguna ni Assistant Regional Director (ARD) Elmer T. Ferry at ng mga dibisyon ng research, regulatory, at integrated laboratory.

Opisyal naman na ipinahayag ni ARD Ferry ang pagkakahirang kina Chief Agriculturist Rufina S. Sanidad bilang Regional Halal Focal Person at Supervising Agriculturist Toribia G. Junsay bilang Deputy Focal Person. β€’ NRB