TINGNAN: Namahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON, sa ilalim ng Corn Program nito, ng 490 bote ng Prevathon insecticides na nagkakahalaga ng P529,200 sa iba’t ibang corn farmers’ association (FAs) at mga local government unit (LGUs) sa lalawigan ng Quezon noong ika-18 ng Pebrero, 2021.
Layunin ng pamamahaging ito na makaiwas at masugpo ang pagsalakay ng Fall Armyworm o isang pesteng insekto na kumakain ng mahigit sa 80 uri ng halaman kabilang na ang mais. Sa tulong ng mga pestisidyong ito ay makakaiwas sa pagkalugi ang mga magmamais.
Ang ilan sa mga nakatanggap ng tulong na ito ay ang Tayabas FA (100 bote), Lucena City FA (50 bote), Infanta FA (50 bote), Candelaria FA (100 bote), Macalelon FA (20 bote), LGU-Tiaong (70 bote), at LGU-San Antonio (100 bote).
[Mga Larawan mula sa Regional Corn Program]