Pagsasanay sa paggawa ng pakain, pagpapastol ng alagang hayop, isinagawa ng DA-4A

Limampung (50) livestock farmers sa CALABARZON ang sumailalim sa pagsasanay tungkol sa paggawa ng pakain at tamang pagpapastol ng alagang hayop  sa pangunguna ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agricultural Programs Coordinating Office- Batangas sa Lipa City, Batangas noong 26-27 Oktubre 2022. Layon ng aktibidad na pataasin ang kaalaman ng mga livestock farmers sa forage – continue reading

Technology Business Incubation, inilunsad ng DA-4A

Inilunsad ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang proyektong “Establishment of DA-4A Technology Business Incubation (TBI)” noong ika-28 ng Setyembre 2022 sa Organic Agriculture Research and Development Center. Layunin ng TBI na maipasa sa mga nagsisimulang agribusiness sa rehiyon ang iba’t-ibang epektibong teknolohiyang napatunayan sa pamamagitan ng pananaliksik na makakatulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon – continue reading

CALABARZON livestock congress para sa buwan ng paghahayupan 2022, idinaos ng DA-4A

Sa pagdiriwang ng buwan ng paghahayupan ngayong Oktubre, idinaos ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang Livestock Congress 2022 noong ika-28 ng Oktubre sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES) Hall, Lipa City, Batangas. Layon ng Congress na talakayin ang estado ng paghahayupan sa rehiyon, mga hakbang sa proseso ng pagkuha ng sertipikasyon na – continue reading

P10.7-M suportang pang-agrikultura, ipinagkaloob ng DA-4A sa unang distrito ng Quezon

Tinanggap ng mga magsasaka ng Lucban, Sampaloc, at Lungsod ng Tayabas ang P10,767,000 milyong halaga ng tulong pinansyal at interbensyong pang-agrikultura mula sa Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa Lalawigan ng Quezon, noong ika-26 hanggang ika-27 ng Oktubre. Kabilang sa mga ipinagkaloob sa siyam na Farmers’ Cooperatives and Associations ng Tayabas ay ang flatbed dryer, hand tractor with trailer, mini chainsaw, vegetable seeds, at seedling tray. Samantala, tinanggap ng 240 magpapalay ang tig-lilimang libong piso (P5,000) sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) alinsunod sa Republic Act (RA) 11203 o “Rice Tarrification Law.” Kaugnay nito, nasa 140 magmamais ang tumanggap ng Fuel Discount Cards na naglalaman ng tig-tatatlong libong piso (P3,000). Binuksan ang programa – continue reading

Operational monitoring sa mga suportang agrikultural ng DA-4A sa Batangas, Rizal isinagawa

Upang masiguro na epektibong naiimplementa ang mga programa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim ng Rice at Corn Banner Program, nagsagawa ng operational monitoring ang DA-Field Programs Coordination and Monitoring Division (DA-FPCMD) sa mga suportang agrikultural sa Batangas at Rizal noong ika 24-27 ng Oktubre 2022. Kasama ang mga kawani mula sa DA-4A, – continue reading

1,398 maliiit na magpapalay mula sa Nasugbu at Lian, Batangas nagkaloob ng tig-P5000 mula sa DA-4A

Tinatayang 1,398 na maliliit na magpapalay mula sa bayan ng Nasugbu at Lian, Batangas ang nagkaloob ng tig-lilimang libong piso (P5,000) noong 25 Oktubre 2022. Sa bisa ito ng Republic Act (RA) No. 11203 o “Rice Tariffication Law” sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) Program ng Department of Agriculture IV-CALABARZON – continue reading

AEWs ng Batangas, sinanay sa SHEP Approach ng DA-4A, JICA

Labing walong (18) Agricultural Extension Workers (AEWs) ang sumailalim sa pagsasanay sa Smallholder Horticulture Empowerment and Promotion (SHEP) Approach ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa pakikipagtulungan sa Japan International Cooperation Agency (JICA) sa LARES, Lipa City, Batangas noong 17-20 Oktubre 2022. Ang SHEP ay isang agricultural extension approach – continue reading

20 grupo ng mga kabataan sa Calabarzon nagprisenta ng kani-kanilang Agri Business Model Canvas para sa Regional Level ng YFC Program

Nagprisinta ang 20 grupo ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng Calabarzon ng kani-kanilang Agri-Business Model Canvas para sa Regional Level ng Young Farmers Challenge (YFC) ng Department of Agriculture (DA). Ang YFC ay isang komeptisyon na inilunsad ng DA upang hikayatin ang mga kabataang pumasok o makilahok sa sektor ng agrikultura sa pagbibigay – continue reading

DA-4A, rice seed stakeholders naghahanda na para sa pagpapaunlad ng sistema ng pagbibinhi ng palay sa taong 2023

Tungo sa pagpapaunlad ng sistema ng pagbibinhi ng palay sa rehiyon para sa taong 2023, pinulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Banner Program ang Rice Seed Stakeholders noong ika-21 ng Oktubre sa Los Baños, Laguna. Binuo ang pulong ng mga samahan ng magbibinhi, mga representante mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los – continue reading

P5.5-M na tulong pinansyal para sa maliliit na magpapalay ng San Juan, Batangas, ipinamahagi ng DA-4A

Aabot sa P552,000 na tulong-pinansyal ang ipinamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga maliliit na magpapalay ng San Juan, Batangas noong ika-21 ng Oktubre, 2022. Bahagi ito ng patuloy na implementasyon Rice Competitivness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) kung saan ang mga magpapalay na may dalawang ektaryang lupang sinasaka at rehistrado – continue reading

DA-4A, UPLB-AMTEC magkatuwang sa patuloy na pagsasagawa ng system testing sa mga ipinagkakaloob na SPIS

Katuwang ang University of the Philippines Los Baños Agricultural-Machinery Testing and Evaluation Center (UPLB-AMTEC), patuloy ang pagsasagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng system testing sa mga ipinagkakaloob na Solar-Powered Irrigation System (SPIS) para sa mga sakahan sa iba’t-ibang panig ng rehiyon. Sa halip na gumamit ng gasolina sa engine pump na nagpapatakbo ng – continue reading

Konsultasyon, pagsasanay sa pagpaplano ng mga stakeholder para sa pagpapalakas ng industriya ng cacao, isinagawa

Kasama ang Cacao Industry Stakeholders’ Association (CCISA) na binubuo ng mga namumuno ng samahan ng mga magcacacao sa rehiyon, isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) ang konsultasyon at pagsasanay sa pagpaplano tungo sa pagpapalakas ng industriya ng cacao noong 19 Oktubre 2022. Layunin ng aktibidad na talakayin ang – continue reading

Regional Vegetable Industry Council, pinulong ng DA-4A tungo sa pagpapaigting ng sektor ng paggugulayan

Sa ngalan ng bisyon tungo sa pagpapaigting ng produksyon ng gulay sa rehiyon, pinulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) ang Regional Vegetable Industry Council noong ika-18 ng Oktubre sa Organic Agriculture Research and Development Center Conference Room, Lipa City, Batangas. Binuo ang pulong ng mga miyembro ng Samahan – continue reading