Aabot sa P552,000 na tulong-pinansyal ang ipinamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga maliliit na magpapalay ng San Juan, Batangas noong ika-21 ng Oktubre, 2022.

Bahagi ito ng patuloy na implementasyon Rice Competitivness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) kung saan ang mga magpapalay na may dalawang ektaryang lupang sinasaka at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay maaaring makakatanggap ng P5,000.

“Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa DA dahil binigyan nila kami ng tulong pinansyal na limang libong piso. Nabigyan nyo po ako ng pag-asa at lakas dahil ngayon ako’y nagkakaproblema sa aking sakahan,” ani ni Loreta Mendoza isang magpapalay. ####(βœπŸ»Β πŸ“ΈMa. Betina Andrea P. Perez)