DA-4A, UPLB-AMTEC magkatuwang sa patuloy na pagsasagawa ng system testing sa mga ipinagkakaloob na SPIS

Katuwang ang University of the Philippines Los Baños Agricultural-Machinery Testing and Evaluation Center (UPLB-AMTEC), patuloy ang pagsasagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng system testing sa mga ipinagkakaloob na Solar-Powered Irrigation System (SPIS) para sa mga sakahan sa iba’t-ibang panig ng rehiyon. Sa halip na gumamit ng gasolina sa engine pump na nagpapatakbo ng – continue reading

Konsultasyon, pagsasanay sa pagpaplano ng mga stakeholder para sa pagpapalakas ng industriya ng cacao, isinagawa

Kasama ang Cacao Industry Stakeholders’ Association (CCISA) na binubuo ng mga namumuno ng samahan ng mga magcacacao sa rehiyon, isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) ang konsultasyon at pagsasanay sa pagpaplano tungo sa pagpapalakas ng industriya ng cacao noong 19 Oktubre 2022. Layunin ng aktibidad na talakayin ang – continue reading

Regional Vegetable Industry Council, pinulong ng DA-4A tungo sa pagpapaigting ng sektor ng paggugulayan

Sa ngalan ng bisyon tungo sa pagpapaigting ng produksyon ng gulay sa rehiyon, pinulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) ang Regional Vegetable Industry Council noong ika-18 ng Oktubre sa Organic Agriculture Research and Development Center Conference Room, Lipa City, Batangas. Binuo ang pulong ng mga miyembro ng Samahan – continue reading

World Food Day 2022, ipinagdiwang ng DA-4A

Kaakibat ng panata tungo sa pagsiguro ng masaganang produksyon ng pagkain sa rehiyon, ipinagdiwang ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang World Food Day sa pamamagitan ng isang maikling programa sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong ika-17 ng Oktubre 2022. Bilang tanda ng pakikiisa ay sama-samang nanumpa ng World Food Day Pledge ang mga – continue reading

1.2-K magpapalay mula sa tatlong bayan ng Laguna, tumanggap ng tig-P5000 mula sa DA-4A

Higit 1,200 na magpapalay mula sa bayan ng Santa Maria, Siniloan, at Famy, Laguna ang nakatanggap ng tig-lilimang libong piso (P5000) noong ika-14 ng Oktubre. Ito ay sa pamamagitan ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A). Sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes ay – continue reading

DA-4A, nagsagawa ng acceptance testing sa mga naipamahaging multi-cultivator

Bago tuluyang maipagkaloob ang mga interbensyong multi-cultivator sa mga magsasaka, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng acceptance testing upang suriin ang kalidad at ispesipikasyon ng mga ito. Ang acceptance testing ay bahagi ng proseso ng pamamahagi alinsunod sa Department Circular (DC) No.10 series of 2018 o National Guidelines on Testing and Evaluation of – continue reading

P6.8M halaga ng cash assistance, fuel discount cards ipinagkaloob ng DA-4A sa mga magsasaka ng Quezon

Aabot sa P6,813,000-halaga ng tulong-pinansyal at fuel discount cards ang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa bayan ng Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Francisco, Catanauan, at General Luna, Quezon noong 11-13 Oktubre 2022. Mahigit 984 na magpapalay ang nakakuha ng tig-lilimang libong piso (P5,000) habang 631 na magmamais at mangigisda naman ang nakatanggap – continue reading

P43-M suportang pang-agrikultura, ipinagkaloob ng DA-4A sa Lobo

Aabot sa P43,510,270.12 milyong halaga ng tulong pinansyal, interbensyong pang-agrikultura, at farm-to-market roads ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa Lobo, Batangas, noong ika-13 ng Oktubre. Kabilang sa mga ipinagkaloob sa 13 Farmers’ Cooperatives and Associations ng Lobo ay ang biosecured and climate-controlled finisher operation facility, alagaing baboy, feeds, makinaryang pansaka, farm – continue reading

Agricultural machinery inventory, aktibong isinasagawa ng DA-4A tungo sa pagpapaunlad ng mekanisasyon

Bilang suporta sa layunin ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) na paunlarin pa ang mekanisasyon sa sektor ng agrikultura sa rehiyon, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Agricultural Machinery Inventory sa iba’t-ibang panig ng rehiyon sa pangunguna ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED). Ang Agricultural Machinery Inventory ay ang pagsusuri sa mga nakarekord na makinaryang pangsaka na – continue reading

DA-4A, pribadong sektor nagpulong ukol sa livestock industry ng CALABARZON

Nakipagpulong ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes, sa 38 miyembro ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) sa ginanap na Sectoral Meeting on Poultry and Livestock, noong ika-11 ng Oktubre, sa Lipa City, Batangas. Tinalalakay sa aktibidad ang tungkol sa Avian Influenza, estado ng African – continue reading

P1.5M halaga ng interbensyon para sa mga nasalanta ng bagyong karding sa bayan ng Polillo, ipinagkaloob ng DA-4A

Mahigit 1,505,800 ang halaga ng interbensyon na naipagkaloob ng Department of Agriculture (DA-4A) noong ika-6 ng Oktubre sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng bagyong Karding sa bayan ng Polillo, Quezon. Mula sa inisyatibo ng mga programa ng Rice, High Value Crops, Corn, Livestock, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ilan sa mga – continue reading

P21.6M na tulong- pinansyal, ipinamahagi ng DA-4A para sa mga magsasaka ng Quezon

Aabot sa 21,635,000 halaga ng tulong-pinansyal ang naipamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa labing-isang bayan ng Quezon noong 5-7 Oktubre 2022. Tinatayang 4,327 na magpapalay mula sa bayan ng Polillo, Panukulan, Burdeos, Patnanungan, Jomalig, Macalelon, Pitogo, Agdangan, Unisan, Padre Burgos, at Sariaya ang nakatanggap ng tig-lilimang libong piso (P5,000). Ito ay sa pamamagitan – continue reading

DA-4A, siniguro ang aktibong lagay ng mga proyektong imprastraktura

Upang suriin ang aktibong lagay ng tatlong proyektong imprastraktura ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), isinagawa ang ikalawang pagbisita sa mga ito kasama ang Constructors’ Performance Evaluation System (CPES) Team noong 3-6 Oktubre 2022. Sa ilalim ng Rice Program, ito ay ang konstruksyon ng Del Rosario Diversion Dam, Banabahin Ibaba to Banabahin Ilaya Canal Lining, – continue reading

2.5K magpapalay ng ika-4 na distrito ng Quezon, nakatanggap ng tig-P5000 mula sa RCEF-RFFA ng DA-4A

Nakatanggap ng tig-P5000 ang 2,546 na maliliit na magpapalay sa Guinayangan, Lopez, Gumaca, at Atimonan, Quezon noong 29-30 Setyembre 2022 alinsunod sa patuloy na implementasyon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program. Pawang mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may – continue reading

2.4K magpapalay ng Quezon nakatanggap ng tig-P5000 sa ilalim ng RCEF-RFFA

Aabot sa 2,495 na magpapalay mula sa Tagkawayan at Calauag, Quezon ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng patuloy na implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng Department of Agriculture (DA) noong 22-23 Setyembre 2022. Ang RCEF-RFFA ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11203 o “Rice Tariffication Law (RTL)” – continue reading

DA-4A kaisa sa pagpapaigting ng PhiLAHIS

Nagpulong ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) at DA-Bureau of Animal Industry (BAI) para sa proyektong ‘Strengthening the Philippine Animal Health Information System’ (PhilAHIS) kasama ang Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs (MAFRA) of the Republic of Korea. Ito ay upang mapaigting ang  implementasyon ng PhilAHIS sa rehiyon.  Ang PhilAHIS ay isa sa mga sistema ng Kagawaran na – continue reading

19 organikong magsasaka, AEWs sa CALABARZON kinilala sa ROAC 2022

Labingsiyam (19) na organikong magsasaka at Agricultural Extension Workers (AEWs) ang kinilala ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa ginanap na Regional Organic Agriculture Congress (ROAC) noong 20 Setyembre 2022 sa Regina Reyes Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Hills, Batangas City. Ang ROAC ay taunang aktibidad DA-4A sa pangugnuna ng Organic Agriculture Program na – continue reading