2.5K magpapalay ng ika-4 na distrito ng Quezon, nakatanggap ng tig-P5000 mula sa RCEF-RFFA ng DA-4A

Nakatanggap ng tig-P5000 ang 2,546 na maliliit na magpapalay sa Guinayangan, Lopez, Gumaca, at Atimonan, Quezon noong 29-30 Setyembre 2022 alinsunod sa patuloy na implementasyon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program. Pawang mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may – continue reading

2.4K magpapalay ng Quezon nakatanggap ng tig-P5000 sa ilalim ng RCEF-RFFA

Aabot sa 2,495 na magpapalay mula sa Tagkawayan at Calauag, Quezon ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng patuloy na implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng Department of Agriculture (DA) noong 22-23 Setyembre 2022. Ang RCEF-RFFA ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11203 o “Rice Tariffication Law (RTL)” – continue reading

DA-4A kaisa sa pagpapaigting ng PhiLAHIS

Nagpulong ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) at DA-Bureau of Animal Industry (BAI) para sa proyektong ‘Strengthening the Philippine Animal Health Information System’ (PhilAHIS) kasama ang Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs (MAFRA) of the Republic of Korea. Ito ay upang mapaigting ang  implementasyon ng PhilAHIS sa rehiyon.  Ang PhilAHIS ay isa sa mga sistema ng Kagawaran na – continue reading

19 organikong magsasaka, AEWs sa CALABARZON kinilala sa ROAC 2022

Labingsiyam (19) na organikong magsasaka at Agricultural Extension Workers (AEWs) ang kinilala ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa ginanap na Regional Organic Agriculture Congress (ROAC) noong 20 Setyembre 2022 sa Regina Reyes Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Hills, Batangas City. Ang ROAC ay taunang aktibidad DA-4A sa pangugnuna ng Organic Agriculture Program na – continue reading

2 hauling trucks para sa 2 samahan ng magsasaka, ipinagkaloob ng DA-4A HVCDP

Nakatanggap ng tig-isang hauling truck ang Tres Cruses Agrarian Reform Beneficiaries Farmers Association Inc. (TCARNFA) at High Value Crops Sariaya mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program noong 21 Setyembre 2022 sa Lipa City, Batangas. Kaugnay nito, sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo Delos Reyes at pinuno ng mga – continue reading

4 samahan ng mga magsasaka sa Batangas, nagkaloob ng botanical concoction facility mula sa DA-4A

Apat na samahan ng mga magsasaka sa Batangas ang nagkaloob ng Botanical Concoction Facility mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A). Ito ay opisyal na naigawad noong 15 Setyembre 2022 sa pangunguna ng DA-4A Regional Agricultural Engineering Division (RAED). Ang nasabing pasilidad ay maaaring magamit sa paghahalo at pagbuburo ng mga prutas, gulay, isda, pulot, – continue reading

Talakayan sa pagitan ng mga stakeholders ng sektor ng paghahayupan, isinagawa

Pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Regional Agriculture and Fisheries Council (RAFC) ang pagpupulong sa pagitan ng mga stakeholders ng livestock sector sa Calabarzon at Bureau of Animal Industry (BAI) noong 14 Setyembre 2022 sa LARES Hall, Lipa City, Batangas. Binuo ang pulong ng mga magbababoy, mga beterinaryo, at mga representante mula sa – continue reading

3 samahan ng magsasaka sa Quezon sinanay sa paggawa ng cluster development plan

Upang tuluyang maiparating ang kinakailangang interbensyon ng mga magsasaka, tatlong samahan mula sa tatlong bayan ng Quezon ang sinanay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program sa paggawa ng Cluster Development Plan (CDP) noong 14-16 Setyembre 2022. Ang CDP ang pangunahing kasangkapan na naglalaman ng mga ebalwasyon sa – continue reading

Suporta para sa mga katutubong magsasaka ng General Nakar,Quezon, tuloy-tuloy na isinasagawa ng DA- 4A

Aabot sa 180 katutubong magsasaka sa General Nakar, Quezon ang sumailalim sa pagsasanay sa paggawa ng organikong pataba noong 13-16 Setyembre 2022 hatid ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng mga Kababayang Katutubo (4K) at Organic Agriculture programs. Layunin ng aktibidad na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga katutubong magsasaka mula – continue reading

DA-4A, COA-4A nagpulong para sa pagpapaigting ng pinansyal na pagtutuos sa mga proyektong agrikultural

Nagpulong ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Commission on Audit Region IV-A (COA-4A) ukol sa pagpapaigting ng pinansyal na pagtutuos sa pondo na inilaan sa mga proyekto ng DA-4A sa rehiyon para sa 2022. Layunin ng aktibidad na talakayin ang mga pamantayan ng COA sa pamamahala ng pinansyal na transaksyon ng DA-4A kaugnay ng – continue reading

Magpapalay ng Quezon, sinanay sa wastong pagsugpo ng rice black bug

Upang patuloy na masugpo ang paglaganap ng Rice Black Bug (RBB) sa rehiyon, isinagawa ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Regulatory Division Plant Pest and Animal Diseases Monitoring, Surveillance and Early Warning Section (PPADMSEWS) ang pagsasanay patungkol sa tamang pamamaraan ng pagkontrol ng RBB sa sakahan, noong ika-14 ng Setyembre, sa Tiaong, Quezon. Ang RBB ay karaniwang matatagpuan sa mga irigadong sakahan. Ito ay nagdudulot ng – continue reading

DA RMC sa Calabarzon, nagpulong para sa mas pinalakas na koordinasyon ng mga programa, suporta sa agrikultura

Ang paglalahad ng mga direktiba ng pangulo ng Pilipinas at kalihim ng Department of Agriculture (DA), Ferdinand Marcos Jr. tungo sa pagpapalakas ng produksyon ng pagkain at pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda ang naging pangunahing usapin sa ginanap na pagpupulong ng DA-Regional Management Committee (RMC) ng CALABARZON noong 13 Septyembre 2022. Sa – continue reading