Sa patuloy na pagpapalaganap ng organikong pagsasaka sa rehiyon, muling nangasiwa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture (OA) Program ng isang pagsasanay sa Participatory Guarantee System (PGS) simula noong 7-9 Setyembre 2022 sa Banaba South, Batangas City. Layunin ng PGS na tulungan ang mga magsasaka na makakuha ng sertipikasyon at akreditasyon na magbibigay – continue reading
P1.7M halaga ng proyekto para sa pagpapatatag ng suplay ng pagkain sa Calabarzon, ipinagkaloob sa Buklod-Unlad MPC
Aabot sa P1,750,000 ang ipagkakaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Buklod-Unlad Multi-Purpose Cooperative (BUMPC), isang grupo ng mga magsasaka mula Taysan Batangas. Ito ay para sa kanilang proyektong âConsolidation of Agricultural Produce of Cooperatives and Farmers of Taysanâ na bahagi ng patuloy na implementasyon ng Enhanced KADIWA ni Ani at Kita Inclusive Food – continue reading
DA-4A, PCAF, magkatuwang sa ginanap na AFC Luzon Congress 2022
Higit 150 kalahok mula sa mga Agriculture and Fisheries Councils (AFC) sa Luzon ang nagtipon para sa ginanap na AFC Luzon Congress noong 5-7 Septyembre 2022 sa General Trias, Cavite. Ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at ng Philippine Council for Agriculture and Fishereis (PCAF). Ang naturang aktibidad – continue reading
RSBSA updating, validation sa Laguna, isinagawa ng DA-4A
Upang masigurong ang mga magsasaka sa rehiyon ay tuluyang makatanggap ng mga suporta at interbensyon, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng updating at validation ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) noong 6 Setyembre 2022 sa Siniloan, Laguna. Higit 500 ang natulungang makapag fill-out, update at validate ng kanilang RSBSA forms – continue reading
Kaalaman sa CRA, CIS ibinahagi ng DA4A
Upang maging handa at matatag ang mga sakahan ng CALABARZON para sa climate change at sa mga darating na bagyo at tagtuyot, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) ng seminar ukol sa Climate Resilient Agriculture (CRA) at Climate Information System (CIS) noong ika-6 ng Setyembre, 2022. Kasama – continue reading
âHuntahan sa Kanayunanâ sa Laguna, idinaos ng DA-4A
Sa layon na maipahayag ang mga programa at serbisyong pang-agrikultura sa mga magsasaka sa CALABARZON, muling nagdaos ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng âHuntahan sa Kanayunanâ noong 6 Setyembre 2022 sa Siniloan, Laguna. âAng âHuntahan sa Kanayunanâ ay isa sa mga paraan para ma-address ang mga suliraning pang-agrikultura. Gaya ng hangad ng ating kasalukuyang – continue reading
DA-4A Kadiwa sa Muntinlupa
Dinaluhan ng San Pedro Multi-Purpose Cooperative, General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative at Southern Luzon Farmers and Traders Agriculture Cooperative and ginanap na KADIWA On Wheels sa Southville 3, Barangay Poblacion, Muntinlupa City noong ika-3 ng Setyembre 2022. Ang Kadiwa ay programa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance – continue reading
P3.8-M halaga ng tulong-pinansyal, fuel discount cards ipinagkaloob ng DA-4A sa mga magsasaka, mangingisda ng Quezon
Aabot sa P3,891,000 halaga ng tulong-pinansyal at fuel discount cards ang naipagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga magsasaka at mangingisda ng Mauban at Pagbilao, Quezon sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) at Fuel Discount Program for Corn Farmers and Fisherfolk na isinagawa noong ika-2 ng Setyembre. Tinanggap – continue reading
Suporta ng DA-4A sa produksyon ng saging, naipamahagi sa Cavite
Tinanggap ng YAKAP AT HALIK Multipurpose Cooperative-Cavite ang 5,000 pirasong polyethylene bags mula sa Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) noong ika-1 ng Septyembre sa Brgy. Castaños Cerca, Gen. E. Aguinaldo, Cavite. Ito ay pakikinabangan ng 50 miyembro ng kooperatiba bilang paghahanda sa pagtatanim ng tissue cultured banana na – continue reading
4 samahan ng magsasaka sa Quezon sinanay sa paggawa ng CDP ng DA-4A
Tinipon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ang apat na samahan ng mga produser ng palay, mais, at livestock sa Sariaya, Quezon upang sanayin sa paggawa ng Cluster Development Plan (CDP) noong ika-1 ng Setyembre. Layunin ng aktibidad na magkaroon sila ng isang organisadong plano sa mga proseso – continue reading
18 representante ng mga samahan ng maggugulay sa Quezon, sumailalim sa enterprise assessment ng DA-4A
Labing walong presidente mula sa mga samahan ng maggugulay sa Tayabas City, Quezon ang sumailalim sa enterprise assessment na pinangasiwaan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program, Technical Working Group (TWG) ng High Value Crops Development Program (HVCDP), at Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) noong ika-30 hanggang – continue reading
Mga produkto ng mga magsasaka sa CALABARZON ibinida sa Maynila
Tampok ang mga produktong agrikultural ng apat na samahan ng magsasaka sa CALABARZON sa isinagawang KADIWA ni Ani at Kita Retail Selling ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa Manila City Hall noong ika-30-31 ng Agosto, 2022. Layon ng aktibidad na bigyang oportunidad ang mga magsasaka na mabenta ang – continue reading
Pagpapalawak ng produksyon ng ube sa AMIA Villages, isinusulong ng DA-4A, SLSU
Nagpulong ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Balik Probinsya Balik Pag-Asa (BP2) program kasama ang project team mula sa Southern Luzon State University (SLSU) ukol sa isinusulong na proyekto para sa pagpapalawak ng produksyon ng ube sa Adaptation and Mitigation Initiatives in Agriculture (AMIA) Villages sa San Francisco, Quezon noong ika-26 ng Agosto. Ang proyekto – continue reading
Pagsasanay ukol sa Halal Butchering, isinagawa ng DA-4A sa Tanauan
Mga nag-aalaga ng kambing at representante mula Veterinary Office at Muslim Affairs ng Tanauan City, Batangas, lumahok sa pagsasanay tungkol sa Halal Butchering noong ika-24 hanggang ika-25 ng Agosto sa Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) LARES Hall, Lipa City, Batangas. Sa pangunguna ng DA-4A Halal Program, tinalakay ang Good Animal Husbandry Practices (GAHP). Ito – continue reading
Tatlong samahan ng magsasaka ng Tayabas, sinanay ng DA-4A sa paggawa ng CDP
Tatlong samahan ng magsasaka ang sumailalim sa pagsasanay na isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program tungkol sa paggawa ng Cluster Development Plan (CDP) noong ika-24 ng Agosto sa Tayabas City, Quezon. Ang pagsasanay ay bahagi ng F2C2 program na naghahangad na tipunin ang bawat samahan ng mga magsasaka – continue reading
Mga magsasaka ng Cavite at Rizal, tumanggap ng tulong ayuda mula sa DA
Aabot sa 663 na magsasaka mula Rizal at Cavite ang nabigyan ng ayuda mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng Fuel Discount Program for Farmers and Fisherfolk at Fertilizer Discount Voucher Program sa pangunguna ng Corn Banner Program. Ito ay ginanap noong Agosto 11-12. Mga magsasaka mula sa mga bayan ng Pililia, – continue reading
Mga maggagatas ng Jalajala, Rizal suportado ng DA-4A, DA-PCC-UPLB
Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Groundbreaking Ceremony ng itatayong dairy store para sa Llano Farmersâ Multi-Purpose Cooperative (LFMPC) ng Jalajala, Rizal. Ang itatayong pasilidad ay proyekto ng DA Philippine Carabao Center sa University of the Philippines – Los Baños (DA-PCC-UPLB) sa ilalim ng Carabao-based Business Improvement Network (CBIN). Ito ay naglalayong matulungan – continue reading
Pagpapaigting sa tungkulin ng LGU at LPCC sa bentahan ng baboy at manok sa merkado, siniguro ng DA-4A
Isang birtwal na pagpupulong ang pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para sa mga Local Government Units (LGU) at Local Price Coordinating Councils (LPCC) ng Batangas at Rizal noong ika-12 ng Agosto. Isinagawa ito upang talakayin ang mga responsibilidad ng LGU at LPCC na nakapaloob sa Joint Memorandum Circular No. 03, Series of 2020 – continue reading