Pinagkalooban ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Livestock Program ang sampung miyembro ng San Miguel Farmers’ Association ng 140 katutubong manok noong ika-7 ng Setyembre. Ang pamamahagi ay tulong ng DA-4A para sa pagsisimula ng asosasyon ng mga magsasaka ng mais at gulay sa bayan ng Padre Garcia, sa lalawigan ng Batangas, na naitatag nito – continue reading
130 katutubong manok, ipinagkaloob ng DA-4A sa mga magbababoy ng San Pedro, Laguna
Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Livestock Program noong ika-2 ng Setyembre ng 130 katutubong manok sa sampung magbababoy ng San Pedro Transport Group, San Pedro Agri-Workers Network (SPAWN), at Urban Container Organic Gardening ng San Pedro, Laguna na nawalan ng kabuhayan dulot ng African Swine Fever (ASF). Ayon kay Engr. Enrique H. Layola, – continue reading
DA-4A, patuloy ang paghahanda para sa isang OA hub kada probinsya
“Kailangan ang Organic Agriculture (OA) hub para kapag nangailangan ng organic product sa bawat probinsya ay doon agad ituturo.” Ito ang pahayag ni Gng. Eda F. Dimapilis, tagapangasiwa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture (OA) Program tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng OA hubs o Organik Konek sa rehiyon. Ang mga itatayong OA – continue reading
DA-4A, sinanay ang 180 katutubong magsasaka sa produksyon ng gulay, pamamahala ng mga peste
Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4Ks) Project ng pagsasanay sa produksyon ng mga gulay at tamang pagkontrol at pagpuksa ng mga peste sa sakahan sa isang daan at walumpung (180) Dumagat na magsasaka mula sa lalawigan ng Rizal noong ika-25 hanggang 27 ng Agosto. Layunin ng pagsasanay – continue reading
DA-4A, nagsagawa ng pagsasanay sa produksyon ng kabute para sa mga magsasaka ng Batangas, Cavite
Nagdaos ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) ng pagsasanay sa produksyon ng kabute para sa labing-siyam (19) na magsasaka mula sa iba’t ibang samahan ng magsasaka mula sa mga lungsod ng Lipa, Sto. Tomas, at Tanauan sa lalawigan ng Batangas; at mga siyudad ng Bacoor, Dasmariñas, Imus, at Trece – continue reading
DA-4A, namahagi ng broiler production module sa 400 magsasaka mula Batangas
Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Livestock Program ng broiler production module sa 400 magsasaka sa lalawigan ng Batangas noong ika-25 ng Agosto. Ang mga nakatanggap mula sa lungsod ng Lipa (San Benito at Pangao) at Tanauan, at mga munisipalidad ng Mataas na Kahoy, Talisay, Balete, at San Juan na naapektuhan ang kabuhayan dahil – continue reading
Magsasaka ng palay at gulay sa Calamba, makakapagtanim na ng mais sa pamamagitan ng FFS ng DA-4A
Susubok na makapagtanim ng puting mais sa kauna-unahang pagkakataon ang 28 magsasaka ng palay at gulay mula sa lungsod ng Calamba, Laguna sa tulong ng Farmers’ Field School (FFS) na isinasagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim ng Corn Program. Mga magsasaka mula sa mga baranggay ng Rizal, Banlic, Mayapa, Parian, San Jose, – continue reading
DA-4A, DENR-Quezon, PLGU-Quezon, nagkaisa sa pagtataguyod ng Project Urban TANIM
Nagkaisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Quezon, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Quezon, at Office of Congressman David C. Suarez at Congresswoman Anna V. Suarez ng ALONA Partylist sa proyektong Project Urban TANIM (Tayo ang Kalikasan, Masaganang ANI para Mamamayan). – continue reading
DA, AFC magkasangga sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga magsasaka
“Patuloy na makikiisa ang RAFC, LGU, at private sector sa Luzon B sa implementasyon ng mga proyekto ng DA na tumutugon sa mga magsasaka lalo’t higit sa mga apektado ng kalamidad.” Ito ang pahayag ni G. Pedrito R. Kalaw, Chairman ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) sa CALABARZON sa naganap na AFC Luzon B – continue reading
230 FAs nakatanggap ng P337M-halaga ng makinarya mula sa DA-RCEF
Namahagi ng 999 na makinarya na nagkakahalaga ng P377-M ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH) sa 230 kooperatiba at samahan ng mga magsasaka ng palay sa CALABARZON mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Ilan sa mga makinang pangsaka na ibinigay ng PHILMECH ay four wheel tractor, hand tractor, floating tiller, precision – continue reading
Tatlong asosasyon ng Quezon, nakatanggap ng P2-M halaga ng interbensyon mula sa DA-4A
Nakatanggap ang tatlong asosasyon ng mga magsasaka sa Quezon ng P2,188,400 halaga ng mga interbensyon mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Corn Program noong ika-11 hanggang ika-13 ng Agosto. Tiglilimang pump and engine set for shallow tube well (STW) na nagkakahalaga ng P1,185,000 ang ipinagkaloob sa San Andres Corn Farmers-Scientists’ Association, SACA Corn Farmers’ – continue reading
P4.4-M halaga ng mga interbensyon, ipinamahagi ng DA-4A para sa mga katutubong magsasaka
Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa ilalim ng proyektong Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4Ks), ng mga interbensyon na nagkakahalaga ng P4,441,987 sa mga magsasakang Dumagat sa unang semestre ng taon. Ang proyektong 4Ks ng DA ay alinsunod sa Batas Republika Bilang 8371 o ang “Indigenous People’s Rights Act” na naglalayong tulungan – continue reading
DA-4A, nagsagawa ng enterprise assessment sa dalawang kooperatiba sa Rizal
Dalawang kooperatiba sa Rizal, na ang pangunahing produkto ay gatas, ang sumailalim sa business enterprise assessment na isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) noong ika-12 ng Agosto. Ang nasabing assessment ay isa sa mga aktibidad ng Bayanihan Agriculture Cluster (BAC) Program sa ilalim OneDA 18 Key Strategies. Layunin ng BAC na pagsamahin sa iisang – continue reading
Pederasyon ng magsasaka sa Padre Burgos, nakatanggap ng 40 kalabaw hatid ng DA-4A
Nakatanggap ang Pederasyon ng Nagkakaisang Samahan ng Magsasaka at Mangingisda para sa Kaunlaran ng Bondoc Peninsula mula sa Padre Burgos, Quezon ng apat na pung (40) babaeng kalabaw na nagkakahalaga ng P1.4-M mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA 4A) Livestock Program noong ika-11 ng Agosto. Pararamihin ng pederasyon ang mga maipapamahaging kalabaw hanggang ang – continue reading
DA-4A, masayang tinanggap si Youth Regional Executive Director Norte
Masayang tinanggap ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni Regional Executive Director VIlma M. Dimaculangan, si Hannah Sophia D. Norte ng APEC Schools. Mula 78 kabataan sa Lipa City, Batangas na dumalo sa Youth Leadership Training ng lokal na pamahalaan, si Bb. Norte ang napili bilang Youth DA-4A Regional Executive Director mula ika-6 – continue reading
DA-4A, organikong magsasaka, magkatuwang sa paghahanda sa implementasyon ng PGS sa rehiyon
Katuwang ng mga organikong magsasaka sa CALABARZON ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa paghahanda sa implementasyon ng Participatory Guarantee System (PGS) sa rehiyon. Ang PGS, alinsunod sa Republic Act No. 11511 o ang “Act Amending the Organic Agriculture Act of 2010, ay naglalayong matulungan ang maliliit na magsasaka at mangingisda na magkaroon ng sertipikasyon – continue reading
Trading center sa Quezon, ASF-free status sa Batangas bida sa State of Philippine Agriculture ni Sec. Dar
Ibinida ni Secretary William D. Dar ng Department of Agriculture (DA) ang Sariaya Agricultural Trading Center at ang African Swine Fever (ASF)-free status ng anim na lokal na pamahalaan sa Batangas sa kaniyang State of Philippine Agriculture noong ika-4 ng Agosto. Ipinagmalaki ni Secretary Dar ang mga proyektong napagtagumpayan ng DA noong nagdaang dalawang taon – continue reading
DA-4A, patuloy sa pamamahagi ng mga interbensyon sa HVC farmers
Inihain ni Engr. Redelliza A. Gruezo, OIC-Chief ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Field Operations Division at Coordinator ng High Value Crops Development Program (HVCDP), ang mga inisyatibo na makakatulong sa mga high value crop farmer sa rehiyon, lalo’t higit ang mga naapektuhan ng mga natural na kalamidad. Ani Engr. Gruezo, nagsagawa ng clustering ang – continue reading