157 communal gardens, 19 hydroponics greenhouses  naipatayo ng DA-4A sa pagpapalawig ng Urgban Agri

  Aabot sa 157 communal gardens at 19 hydroponics greenhouses na ang naipatayo at naitatag ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) katuwang ang mga lokal na pamahalaan at samahan ng mga magsasaka sa rehiyon. Ito ay sa patuloy na pagpapalawig ng Urban and Peri-urban Agriculture Program (NUPAP) sa rehiyon na naglalayong palakasin ang seguridad ng – continue reading

Kauna-unahang organic seed storage facility, itinayo ng DA Calabarzon sa Quezon

Nagtayo ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng kauna-unahang organic seed storage facility sa rehiyon at opisyal na ipinagkaloob sa Quezon Agricultural Research and Experiment Station (QARES) noong ika-2 ng Mayo. Sa pamamagitan ng QARES bilang isa sa tanggapan ng ahensya, layon nitong magkaroon ng tuloy-tuloy na produksyon ng organikong binhi na siyang ipamimigay sa – continue reading

DA-PRDP 4A, ipinakilala ang DA-PRDP Scale-Up sa Rizal PLGU

Tungo sa mas moderno at sustenableng sektor ng agrikultura at isdaan sa rehiyon, nagsagawa ng oryentasyon ang Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Calabarzon (DA-PRDP 4A) tungkol sa DA-PRDP Scale-Up kasama ang mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal. Ang DA-PRDP Scale-Up ay isang proyekto ng World Bank at DA – continue reading

DA-PRDP VCO processing facility sa Pagbilao, binuksan na

Inaasahang uunlad pa ang industriya ng niyog sa Quezon matapos buksan ang proyektong Processing and Marketing of Virgin Coconut Oil in Quezon Province na pinagtulungan ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project, Quezon Federation and Union of Cooperatives, at ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon. Binubuo ang proyekto ng isang processing facility sa Brgy. – continue reading

Pagsasanay sa pagbuo ng Market Research ng DA Calabarzon isinagawa para sa pagpapalawak ng merkado ng mga produktong agricultural

Sa pangunguna ng Research Division ng Department of Agriculture IV- Calabarzon (DA-4A), isinagawa ang isang pagsasanay sa pagbuo ng isang pang-merkadong pananaliksik o market research para sa mga mananaliksik ng dibisyon at kawani ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) noong ika-16 hanggang ika-17 ng Abril, 2024 sa Lipa City, Batangas. Layunin ng pagsasanay na – continue reading

Katutubong Dumagat ng Montalban sinanay ng DA-4A sa pagsisimula at pamamahala ng organisasyon

Sa pangunguna ng Department of Agriculture IV- Calabarzon (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayan Katutubo (4K) Program, sumailalim sa Training on Values Formation, Leadership and Organizational Strengthening ang humigit kumulang sa 40 katutubong Dumagat noong ika-18 hanggang ika-19 ng Abril, 2024 sa Brgy. Puray, Montalban, Rizal. Ito ay upang palakasin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, – continue reading

Pagpapalakas sa negosyo ng 17 FCAs, YFC awardees, pinaigting ng DA-4A, Agribusiness Investment Forum for Agripreneurs isinagawa

Isang porum tungkol sa Agribusiness Investment para sa mga agripreneurs ang isinagawa ng Department of Agriculture IV- Calabarzon noong Abril 11-12, 2024 sa Cavite. Pinangasiwaan ang aktibidad ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) upang maasistehan ang mga pinuno at myembro ng labingpitong kalahok na Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) at Young Farmers Challenge (YFC) – continue reading

Tatlong taong plano para sa negosyo ng FCAs, isinusulong ng DA Calabarzon

    Isinusulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ang tatlong taong plano para sa negosyo ng mga Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) sa rehiyon. Ito ay ang Capacity Development Plan (CDP) na naglalaman ng kasalukuyang kalagayan ng negosyo ng mga magsasaka, mga kinakailangang interbensyon para sa paglago, mga – continue reading

43 Magmamais ng Guinayangan, Quezon tinipon ng DA-4A para sa Stakeholders Forum

Tinipon ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) ang 43 Magmamais ng Guinayangan, Quezon sa isinagawang aktibidad na pinamagatang Engaging Partners: Stakeholders Forum for the Corn Model Farm Project cum Corn- Livestock Integaration, noong ika-26 ng Marso. Layunin ng pagpupulong na mas bigyang boses ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kani-kanilang suliranin sa – continue reading

Php15-M halaga ng interbensyon, ipinamahagi ng DA-4A sa Calauag, Quezon

Aabot sa Php15,170,200 halaga ng interbensyong pang-agrikultura ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa sampung samahan ng magsasaka ng Calauag, Quezon, noong ika-26 ng Marso. Ito ay pinangunahan nina DA-4A OIC-Regional Director Fidel Libao at Quezon 4 th District Representative Cong. Keith Micah Tan. Ayon kay Dir. Libao, ang mga interbensyong natanggap – continue reading

P5.5-M halaga ng interbensyon, ipinagkaloob sa mga magsasaka sa ikalawang distrito ng Batangas

  Aabot sa P5.5-milyong halaga ng interbensyong pang-agrikultura ang ipinagkaloob sa mga magsasaka sa mga bayan ng San Pascual at Mabini sa probinsya ng Batangas. Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Fildel Libao at Batangas District-2 representative, Congresswoman Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ng mga suportang pang-agrikultura para sa – continue reading

DA Calabarzon, namahagi ng Php4.5-M tulong-pinansyal sa maliliit na magpapalay sa isla ng Polillo, Quezon

  Namahagi ng 4,575,000-milyong piso ang Department of Agriculture IV- Calabarzon (DA-4A) sa mga maliliit na magpapalay sa isla ng Polillo, Quezon. Nakatanggap ng tig-lilimang libong piso ang 915 magsasaka mula sa bayan ng Burdeos, Jomalig, Patnanungan, Panukulan, at Polillo sa pagpapatuloy ng implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) – continue reading

LGUs, inihanda ng DA-PRDP 4A sa epekto ng climate change sa agrikultura

Bilang pagtugon sa epekto ng climate change sa sektor ng agrikultura, sinanay ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon ang mga lokal na pamahalaan sa paggawa ng makabagong Provincial Commodity Investment Plan (PCIP).   Ang PCIP ay isang dokumento na nilalaman ang mga pangunahing areas of investment ng – continue reading

CDP Enhancement in Sariaya

Tinipon ng #DACalabarzon Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program katuwang ang Asian Development Bank sa pamamagitan ng PRIMEX ang mga opisyal at miyembro ng tatlong clusters mula sa Sariaya, Quezon para sa Capacity Building for Cluster Development Plan (CDP) Enhancement Writeshop noong ika-5 ng Marso. Sumailalim sa pagpapalakas ng kanilang kasanayan sa paggamit – continue reading

Konstruksyon ng Regional Food Terminal, imumungkahi ng PLGU-Batangas sa PRDP Scale-Up

Tungo sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura at isdaan sa Batangas, inilahad ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon ang kanilang plano na magmungkahi ng proyektong Regional Food Terminal para pondohan sa ilalim ng DA-PRDP Scale-Up.   Layon ng proyekto na – continue reading