Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-Calabarzon (DA-4A) ng pagsasanay tungkol sa urban gardening noong ika-28 ng Pebrero, 2024, sa Lipa City, Batangas. Ito ay dinaluhan ng mga magsasaka at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan mula sa mga lungsod San Pablo, Calamba, at San Pedro sa Laguna, at Batangas, Lipa, Sto. Tomas sa Batangas. Bahagi – continue reading
Gabay sa makabagong pagsasaka, sa pamamagitan ng SCALE UP alay ng DA Calabarzon, DA-BAR sa mga magsasaka
Patuloy ang paggabay at paghihikayat ng Department of Agriculture IV-Calabarzon (DA Calabarzon) at DA Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) sa mga magsasaka na gumamit ng mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka sa pamamagitan ng programang Sustainable Community-Based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment and Prosperity (SCALE UP). Ang programang SCALE UP sa mga – continue reading
P2.5-M halaga ng interbensyon tinanggap ng mga naghahayupan sa Padre Garcia
Pormal na tinanggap ng Cawongan Farmers Association ang mga interbensyon mula sa Department of Agriculture Regional Office No. IV-A (DA Calabarzon) noong ika-15 ng Pebrero, 2024, sa Brgy. Cawongan, Padre Garcia, Batangas. Ang naturang mga interbensyon ay binubuo ng 27 ulo ng kambing, isang pabahay, isang forage chopper, 71 botelya ng Bitamina ADE, at 114 – continue reading
Hybrid rice at fertilizer derby, isinagawa ng DA Calabarzon sa Quezon; 800 magpapalay, nakilahok
Higit sa 800 magpapalay mula sa iba’t ibang probinsya ang nakilahok at sumuri ng mga hybrid na barayti ng palay at pataba sa isinagawang Hybrid Rice and Fertilizer Derby ng Department of Agriculture Regional Office No. IV-A (DA Calabarzon) Rice Program sa Sariaya, Quezon simula ika-6 hanggang ika-8 ng Pebrero, 2024. Ito ay may temang – continue reading
DA CALABARZON Bantay Presyo
I-click ang link para sa mga presyo ng pangunahing bilihin sa mga ss. na pambublikong palengke sa CALABARZON. Commodities Link ng mga presyo sa mga pangunahing pampublikong palengke Rice Bantay Presyo (da.gov.ph) Meat and Poultry Bantay Presyo (da.gov.ph) Highland Vegetables Lowland Vegetables Bantay Presyo (da.gov.ph) Fish Bantay Presyo (da.gov.ph) Fruits Bantay Presyo (da.gov.ph) Spices Bantay – continue reading
DA-PRDP 4A, DA-PCC, nagsagawa ng BizCon sa industriya ng dairy carabao
Tinipon ng DA-Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon at ng DA-Philippine Carabao Center ang mga pangunahing aktor sa dairy carabao value chain (farmers cooperatives and associations, lokal na pamahalaan, ahensya ng gobyerno, technology innovators, financial institutions, and institutional buyers) sa DA-PRDP Business Conference on Dairy Carabao. Layon ng aktibidad na tukuyin ang – continue reading
DA-PRDP, patuloy ang pag-mainstream ng paggawa ng I-VCAs sa DA-4A
Tungo sa mas mahusay pang pagtugon sa sektor ng agrikultura at isdaan, sinanay ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) ang mga kinatawan ng iba’t-ibang opisina at programa ng DA Regional Field Office Calabarzon (DA-4A) sa paggawa ng climate-resilient agro-industry oriented value chain analysis (I-VCA). Isa ito sa mga hakbang na tinatahak – continue reading
FCAs, inihanda ng DA-PRDP 4A at DOST 4A na makakuha ng LTO mula sa FDA
Limang farmers cooperatives and associations ang nagtapos ng training on food processing and safety ng DA-PRDP CALABARZON at ng DOST CALABARZON. Layon ng training na matulungan ang mga grupo na makakuha ng License to Operate (LTO) mula sa Food and Drug Administration (FDA) upang maibenta ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado at – continue reading
P7.2-M halaga ng tulong-pinansyal, ipinamahagi ng DA Calabarzon sa maliliit na magpapalay ng unang distrito ng Quezon
Aabot sa Php7,220,000.00 ang kabuuang halaga ng tulong-pinansyal na ipinamahagi ng Department of Agriculture Regional Office No. IV-A (DA Calabarzon) sa mga maliliit na magpapalay sa unang distrito ng Quezon sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) noong ika-18 ng Enero, 2024. Dito ay tumanggap ang 1,444 magsasaka mula sa – continue reading
13 cluster sa CALABARZON, dumalo sa 1 st National Cluster Summit ng DA
Labing tatlong cluster mula sa rehiyon ng CALABARZON ang nakadalo sa pinakaunang National Cluster Summit ng Department of Agriculture (DA) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program na may temang “Pagkaing Sapat Ahon Lahat!” sa Tagaytay City, Cavite sa tulong ng DA IV-CALABARZON (DA-4A) noong ika-11 hanggang ika-15 ng Disyembre, 2023. Ang F2C2 ay – continue reading
49-K magsasaka sa CALABARZON, napagbuklod sa ilalim ng programang F2C2 ng DA-4A
Aabot sa 49,087 magsasaka ang napagbuklod ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim ng programang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) simula noong taong 2021 hanggang 2023. Layon ng F2C2 na isulong ang paggugrupo sa maliliit na mga magsasaka at mangingisda upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa oras na sila ay matuto sa – continue reading
Tatlong FCAs sa CALABARZON, naiugnay ng DA-4A sa siyam na institutional buyers sa Cavite
Isang market matching activity ang isinagawa ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) upang maiugnay ang tatlong Farmers Cooperative and Associations (FCAs) ng rehiyon sa potensyal na merkado sa bayan ng Rosario, Cavite noong ika-21 ng Nobyembre 2023. Naging daan ang aktibidad upang maipresenta ng mga FCAs ang kanilang – continue reading
DA-PRDP 4A, pinag-ugnay ang FCAs, publiko at pribadong sektor sa industriya ng poultry
Nagsagawa ng isang business conference (BizCon) ang Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon (DA-PRDP 4A) upang tipunin at pag-ugnayin ang mga farmers cooperatives and associations (FCAs) at mga kinatawan ng publiko at pribadong sektor sa industriya ng poultry. Bahagi ito ng paghahanda ng DA-PRDP 4A sa pagpondo ng – continue reading
Cluster Development Plan ng mga grupo ng magsasaka sa CALABARZON; sinuri, pinaunlad ng DA-4A
Dalawampu’t limang grupo ng mga magsasaka sa CALABARZON ang ginabayan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pagbalangkas ng kani-kanilang Cluster Development Plan (CDP) sa pangunguna ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program. Layunin ng F2C2 program na matipon ang mga magsasaka sa isang cluster na may magkakatulad na produkto at proseso sa – continue reading
World Bank, binisita ang mga proyektong DA-PRDP sa Cavite, Laguna
Binisita ng mga kinatawan ng World Bank ang mga proyektong pangnegosyo na pinondohan ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) sa Amadeo, Cavite at Luisiana, Laguna. Ito ay bahagi ng taunang Implementation Support Mission ng World Bank sa DA-PRDP upang makita ang mga naging epekto at benepisyo nito sa sektor ng agrikultura – continue reading
Pinakaunang sabog-tanim na Malusog Rice ng Pilipinas sa Batangas, sinuri
Isinagawa ang pinakauna sa bansa na pagsasabog-tanim ng barayti ng binhi ng palay na Malusog Rice (NSIC 2022 Rc 682GR2E) sa Sitio Mangahan, Nasugbu, Batangas noong ika-9 ng Agosto. Kaugnay nito, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Rice Awareness Month 2023 ay sinuri ang kalagayan ng mga tanim sa pamamagitan ng “Farm Walk” na pinangunahan – continue reading
QuOrAgCo ng Lucban, Quezon, benepisyaryo ng P10 milyong halaga ng interbensyon mula sa DA-4A
Aabot sa P10 milyong halaga ng interbensyon ang pormal na tinanggap ng Quezon Organic Agriculture Cooperative (QuOrAgCo) ng Lucban, Quezon mula sa Departmentof Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program noong ika-9 ng Nobyembre 2023 sa Brgy. Nalunao, Lucban, Quezon. Kasabay ng selebrasyon ng Organic Agriculture month, iginawad bilang suporta sa Organic Agriculture Livelihood Project na – continue reading
2,061 mamamayan, tumanggap ng mga interbensyon mula sa DA-4A sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Laguna
Aabot sa 2,061 mamamayan ang nabigyan ng interbensyon at serbisyo ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) noong ika-4 hanggang ika-5 ng Nobyembre sa Laguna SportsComplex, Sta. Cruz, Laguna. Ang BPSF ay proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na naglalayong tipunin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang – continue reading