« of 18 »

Assessment at Planning Workshop ng Operations Division, isinagawa
Isinulat at Mga Larawan, Kuha nina Nataniel Bermudez at Luzminda Tamayo

Sa pangunguna ni Assistant Regional Director for Operations and Extension Milo D. delos Reyes ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON ay isinagawa ang Assessment at Planning Workshop ng Operations Division, kasama ang mga lokal na pamahalaan at mga stakeholder sa rehiyon, noong Pebrero 13 – 14, 2018 sa Tayabas City, Quezon.

Dito ay nag-ulat ang mga division head; mga banner program, seed, at Integrated Pest Management (IPM) coordinator; at ang Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) ng kani-kanilang mga naging programa noong nakaraang taon at mga nakatakdang gawain sa kasalukuyang taon upang mas mapabuti at mapahusay ang serbisyo na ipinagkakaloob ng kagawaran sa rehiyon at mas mapaigting ang ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura.

Mahigit isang daang katao ang dumalo sa naturang aktibidad.