Ginunita ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang National Day for Youth in Climate Action and the ASEAN Youth in Climate Action and Disaster Resilience sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes noong ika-25 ng Nobyembre 2022.

Layon ng aktibidad na kilalanin ang mga kabataan sa kanilang tungkulin sa paglaban sa pagbabago ng klima sa kanilang natatangi at kapaki-pakinabang na mga paraan.

Bilang parte ng selebrasyon, isinagawa ng mga kawani ng DA-4A ang mga aktibidad na isinusulong ng National Youth Commission (NYC) batay sa itinatag nilang β€œ10 Youth-led Climate Actions” katulad ng pagsasanay sa urban gardenina at exercising. #### (Ma. Betina Andrea P. Perez)