Isinulat at Mga larawang, kuha ni Nataniel R. Bermudez
Nagkaroon ng assessment at technical briefing para sa mga taga-pagpatupad ng multiplier farms sa lalawigan ng Quezon noong ika-7 ng Hunyo 2018 sa St. Jude Multi-purpose Cooperative, Tayabas, Quezon.
Ang mga multiplier farms ay pinagkalooban ng mataas na uri ng kambing (10 babae, dalawang purong bulugan) at pabahay na nagkakahalaga ng mahigit Php 468T. Nabigyan din sila ng native na baboy (10 babae, 1 bulugan at pabahay) na nagkakahalaga naman ng mahigit Php 388T mula sa pondo ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON. Katuwang sa pagpapatupad ng programang ito ay ang Panlalawigang Tanggapan ng Agrikultor ng Quezon.
Sinabi ni Vilma M. Dimaculangan, Focal Person ng Livestock Program ng Kagawaran, βna ang mga multiplier farm ay inilagay at ibinigay lamang sa mga piling bayan at samahan na may kakayahang makapagbigay ng lugar na mapapagpapastulan at mangangasiwa nito. Dapat rin na may layuning maitaas ang uri ng kambing sa kanilang lugar at may malawak na pastulan ang mga alagaing baboy.β
Ang mga organisasyon na nabigyan ng kambing at native na baboy ay: ang Quezon National Agricultural School (QNAS) Goat Multiplier Farms sa Pagbilao; Southern Bondoc Peninsula Producers ng Mulanay; Yakap at Halik Multipurpose Cooperative Quezon II ng Padre Burgos; at mga local na pamahalaan ng Unisan, Calauag, at Pitogo. Samantala, nabigyan ng kambing ang LGU Tagkawayan habang ang Southern Luzon State University (SLSU) campus sa Tagkawayan ay pinagkalooban ng native pig.
Ayon kay Dimaculangan, batay sa assessment na ginawa, βsa ngayon ay mayroon nang 129 na kabuuang bilang ng kambing at hindi pa kabilang ang mga kambing na ibinubuntis.
Ang mga kasama sa technical briefing and assessment ay sina: OIC ng Operations and Extension Dennis Arpia; Dra. Flomella A. Caguicla, DVM, ProVet ng Quezon; APCO Rolando Cuasay; at Dr. Jerome Cuasay, DVM ng Operations.