Isinulat at Mga Lawaran, Kuha ni Nataniel Bermudez
Dalawang araw na pag-aaral tungkol sa pagkilala at pamamahala sa mga sakit at peste ng mga halaman ang isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center, Tayabas City, Quezon noong Hunyo 28 at 29, 2018.
Ito ay naglalayong matulungan ang mga dumalong teknisyan na madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga makabagong teknolohiya, maging lubos ang kaalaman sa pagkilala sa mga sakit at peste ng mga halaman, at maitaas ang kanilang kamalayan sa mga programa ng Kagawaran. Sa pamamagitan nito, daglian nilang masasagot o masosolusyunan ang mga hinaing ng mga magsasaka hinggil sa mga sakit at peste ng mga halaman.
Ang pag-aaral ay pinangunahan ng Operations Division sa pakikipagtulungan sa Regional Crop Protection Center (RCPC) ng Kagawaran.