DA-4A, RAFC magkatulong sa pagpapatibay ng seguridad ng pagkain sa CALABARZON

Magkatulong ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) at Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Sectoral Committee ng High Value Crops sa patuloy na implementasyon ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) na naglalayong pagtibayin ang seguridad ng pagkain sa bansa sa kabila ng lumalaking populasyon, mga natural na kalamidad, at COVID-19 pandemic. Kaugnay nito, – continue reading

Livestock raisers ng CALABARZON tumanggap ng P10M tulong-pinansyal mula sa DA-4A

Aabot sa sampung milyong (P10M) halaga ng tulong-pinansyal ang naipamahagi ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Livestock Program sa pitong (7) Livestock Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) ng rehiyon, noong ika-12 ng Agosto, sa Lipa City, Batangas. Ang aktibidad ay bahagi ng isinagawang Memorandum of Agreement Signing on the Establishment of Multiplier Farms under – continue reading

DA-4A RARES SGPP ganap nang PhilGAP certified

Pormal nang tinanggap ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) Rizal Agricultural Research and Experiment Station (RARES) ang Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) Certificate para sa kanilang Smart Greenhouse Project of the Philippines (SGPP) tomato crop, mula sa Bureau of Plant Industry, noong ika-10 ng Agosto. Ang PhilGAP certification ay patunay na sinusunod ng RARES – continue reading

Pagbabantay presyo ng mga produkong agrikultural sa palengke, pinaigting ng DA-4A

Upang mas mapalawak at mapalakas ang sistema ng pagbabantay ng presyo ng mga produktong agrikultural sa mga pampublikong palengke sa rehiyon, nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) tungkol sa Bantay Presyo Monitoring System (BPMS) at Trading Post Commodity Volume Watch (TPCVW). Ang BPMS ay tumutukoy sa sistema ng pangongolekta ng datos ng – continue reading

Pagsasanay para sa pagpapalaganap ng produksyon ng soybean sa rehiyon, isinagawa ng DA-4A

Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng pagsasanay ukol sa produksyon ng soybean noong ika-5 ng Agosto sa LARES Hall, Lipa City, Batangas. Ang aktibidad ay bahagi ng proyekto ng DA-4A Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES) sa ilalim ng Corn Banner Program. Ito ay ang ‘Trial on Integrated Production Technologies’ kung saan – continue reading

2 samahan ng magpuprutas, maggugulay sa Cavite ini-ugnay ng DA-4A sa 3 institusyonal na mamimili

Dalawang samahan ng magpuprutas at maggugulay mula sa Cavite ang ini-ugnay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa tatlong institusyonal na mamimili sa isinagawang “Market Matching for Fruits and Vegetables” ng DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) noong ika-16 ng Agosto sa Alfonso, Cavite. Ayon kay AMAD Section Chief Emi Villanueva, sa pangangasiwa ng – continue reading

Pagtatayo ng bio-secured, climate-controlled finisher operation facility sa General Luna, Quezon, pinasinayaan ng DA-4A

Pormal nang pinasinayaan ang pagtatayo ng “Bio-Secured and Climate-Controlled Finisher Operation Facility” ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para sa Grupong Magsasaka ng Brgy. San Nicolas, General Luna, Inc. (GMSN), noong ika-16 ng Agosto, 2022. Ang pagsasagawa ng nasabing pasilidad ay bahagi ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) ng – continue reading

DA-4A binisita ang 2 napatayong SPFS sa Jalala; naghatid ng teknikal na gabay

Binisita ni OIC-Regional Executive Director, Engr. Abelardo Bragas ang dalawang Solar-Powered Fertigation System (SPFS32 at SPFS8) na ipinatayo ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Brgy. Bagumbong, Jalajala, Rizal. Ang pagbisita ay bahagi ng patuloy na pagsubaybay ng tanggapan ng mga proyektong isinagawa o naisagawa na. Ito rin ay alinsunod sa utos ng Presidente at – continue reading

Mga organikong magsasaka ng Laguna, Rizal sumailalim sa pagsasanay ukol sa PGS

Sumailalim sa pagsasanay ang mga organikong magsasaka mula sa probinsya ng Laguna at Quezon ukol sa Participatory Guarantee System (PGS) na inihandog ng Agricultural Training Instituted IV-CALABARZON (ATI-4A) sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) – Organic Agriculture (OA) Program mula noong ika 15 hanggang ika 26 ng Agosto sa Liliw, Laguna. Layunin ng pagsasanay – continue reading

Grupo ng magsasaka sa San Juan, mas palalakasin sa pamamagitan ng clustering, consolidation

Binisita ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) ang San Juan Batangas Crofisliv Association ng bayan ng San Juan, Batangas kaugnay ng pagpapatupad ng programang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2). Layunin ng F2C2 na paunlarin ang produksyon at kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng clustering at consolidation. Nais ng programa – continue reading

P87-K halaga ng produktong agrikultural naibenta sa DA-4A Kadiwa Retail sa San Pedro, Laguna

Umabot sa ₱87,000 ang naibenta ng dalawang samahan ng mga magsasaka sa isinagawang KADIWA ni Ani at Kita retail selling na pinangunahan ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna noong ika-21 ng Agosto, 2022. Ang mga samahang nakapagbenta ay ang Luntian Multipurpose Cooperative at – continue reading

Yamang Lupa: SCALE UP program, inilunsad sa Quezon

Inilunsad ang Yamang Lupa: Sustainable Community-based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment and Prosperity (YL:SCALE UP) in Quezon Province sa Tayabas City, Quezon noong ika-23 ng Agosto kasabay ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding at Wall of Commitment ng mga ahensya at Local Government Units kasama ang mga lead farmers ng bayan ng Pagbilao – continue reading

DA-4A kaisa sa pagsulong ng DA – IRRI OneRicePH Project

Upang matulungang maitaas ang varietal turnover ng mga magpapalay ng rehiyon, nakiisa ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa isinagawang DA – International Rice Research Institute (IRRI) OneRicePH Project Regional and Provincial Consultative Workshops, sa Brgy. Tumbaga 1, Sariaya, Quezon, noong ika-23 ng Agosto. Ang DA-IRRI OneRicePH Project ay naglalayong pag-isahin ang mga pamamaraan – continue reading

Karagdagang 112 magmamais sa Batangas, nakatanggap ng fuel discount cards, fertilizer discount vouchers mula DA-4A

Aabot sa 112 na magmamais mula sa Lian, Calatagan at Nasugbu sa probinsya ng Batangas ang nakatanggap ng fuel discount cards at fertilizer discount vouchers noong ika-24 ng Agosto, 2022. Ito ay bahagi pa din ng patuloy na implementasyon ng Fuel and Fertilizer Discount Program for Corn Farmers ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa – continue reading

Produksyon ng mga produktong HALAL, isusulong sa rehiyon.

Nagdaos ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Consultative Meeting and Planning Workshop kasama ang ilang opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) noong ika-16 ng Hunyo. Layunin ng pagpupulong na talakayin ang implementasyon ng halal multiplier farm at DA-assisted halal farms at tuluyan ikasa ang produksyon ng mga produktong halal sa rehiyon. Ayon – continue reading