Nagsagawa ng simpleng turnover ceremony of leadership ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) noong 21 Setyembre 2022 sa LARES Hall, Lipa City, Batangas.

Pormal na ipinasa ni Philippine Rural Development Project (PRDP) Director Engr. Abelardo Bragas sa kamay ng bagong talagang OIC-Regional Executive Director ng DA-4A na si Director Milo Delos Reyes ang susi na sumisimbolo sa pamamahala at pamumuno sa tanggapan.

“Malugod po namin kayong tinatanggap at makakaasa kayo sa kooperasyon at suporta ng bawat isa tungo sa pagpapatuloy ng ating magandang nasimulan dito sa DA-4A,” ani Engr. Bragas.

Buong puso na nagpasalamat si Director Delos Reyes at nagbahagi ng kanyang bisyon para sa DA-4A.

“Isang malaking karangalan na mamuno rito sa DA-4A bilang tayo ay number 1! Sama-sama tayong maglayon na magpatuloy ito. Sa kabila man ng mga pagbabago, tuloy ang trabaho para sa ating mga magigiting na magsasaka,” aniya.

Samantala, upang kilalanin ang mga opisyal na bumubuo sa DA-4A ay isa-isang nagpakilala at nagbigay suporta ang mga Regional Technical Director, Division Chief, Baner Program Focal Person, at iba pang mga kawani ng tanggapan. #### (✍🏻📸 Danica Daluz)